Maaga akong umuwe kanina. Madami na naman akong iniisip nung hapon at gusto ko na lang itulog lahat ng ito para mawala lahat yun. Posible? Hinde, dahil bukas, makikita ko na naman uli. pag upo ko pa lang sa silya, makikita ko na namam problema ko. buti pa kahapon.First time kong mag MRT sa taong 2006. maski ako nagulat sa sarili ko na sasakay na uli ako ng MRT. Lalo na nung ipasok ko ang stored value ticket na dala ko. P100 pa!. Alam ko nung December ko pa nabili yun. Wala pa palang bawas.
Tahimik kanina sa loob ng MRT. Wala man lang nagsasalitang pasahero. Maski isa, maski alam kong magka opisina yung iba, hindi sila nag uusap. Tahimik na nga ba ang mundo? Wag naman sana. Buti pagbaba ko, maingay na.
930pm na pala, sige tulog na po ako.
No comments:
Post a Comment