LSS

wag mo munang sabihing ayaw mo na

Tuesday, February 28, 2006

until next time

hi dude, last day mo pala kanina. Hindi man lang kita napuntahan sa cube mo para mag “hello”. Sa pitong buwan mong pananatili uli dito, as in uli ah, di ka pa rin nagbabago. Tulad ka pa rin nung dati. Naging iba man ung pananaw mo sa buhay, ikaw na ikaw pa rin yan. Makulet at masayahin.

nga pala. astig yung shirt mo last week. hehe. salamat sa cap.

anyway, salamat sa mensahe mo kahapon. Oo magulo na nga ang kwento ko pero maaayos din toh. Salamat sa payo.

so long but not farewell. Happy Tuesday.

Saturday, February 25, 2006

sound trip

Kahapon, late na ako nag lunch. During the lunch break, diretso ako ng Music One para mag sound trip. Tumitingin tingin lang muna ng CD. Baka may bagong ok e. tapos tumambay na ko dun. Natapos ko ata ung buong album ng Kamikaze. Konti lang naman ung tao kaya naisip ko ok lang magtagal ako. Pagkatapos nun, lipat naman sa kabilang CD. 2 pm na ko nakabalik dala dala ang take out na crispyburgermelt.

Masyado na kasi ako na deprived sa opisina. Tanggalan ba naman ako ng CD player. Halos masanay na ko ng walang music. Pero di ko matiis. Kaya kanina, after ng game, dumiretso ako sa SM para bumili ng iPod Nano. Kahit walang radio, ok na rin.Free Image Hosting - MyOnlineImages

Thursday, February 23, 2006

MRT uli

Maaga akong umuwe kanina. Madami na naman akong iniisip nung hapon at gusto ko na lang itulog lahat ng ito para mawala lahat yun. Posible? Hinde, dahil bukas, makikita ko na naman uli. pag upo ko pa lang sa silya, makikita ko na namam problema ko. buti pa kahapon.

First time kong mag MRT sa taong 2006. maski ako nagulat sa sarili ko na sasakay na uli ako ng MRT. Lalo na nung ipasok ko ang stored value ticket na dala ko. P100 pa!. Alam ko nung December ko pa nabili yun. Wala pa palang bawas.

Tahimik kanina sa loob ng MRT. Wala man lang nagsasalitang pasahero. Maski isa, maski alam kong magka opisina yung iba, hindi sila nag uusap. Tahimik na nga ba ang mundo? Wag naman sana. Buti pagbaba ko, maingay na.

930pm na pala, sige tulog na po ako.

Two angels

Last Monday while buying burgers for lunch, I saw two girls. They were behind me waiting for their turn to order. They were happy. I can see it through their eyes. After a couple of minutes seeing them laughing and smiling, I noticed something. They were deaf. It took me some time to realize that until they started using their hands. How stupid of me.

I realized how hard for them to communicate with other people who are not deaf. I myself tried to communicate with them but ended up making a fool of myself using own sign language plus talking chopped sentences.

I know mukhang na kong tanga nung mga oras na yun sa pakikipag usap sa kanila na alam ko, hindi ako talaga maiintindihan o naririnig man lang. maski anong sabihin ko, dedma sa kanila. well siguro out of kindness, nag smile na lang yung isa sa kin. anyway, ok lang yun, at least next time alam ko na gagawin ko.

Friday, February 10, 2006

another friday

yes, another friday night for me and im a bit crazy.
i wasn't able to solve this issue since yesterday. after an 8 hours testing and investigating, i ended up surrendering. i ended up posting a log question.

things are starting to pile up. two weeks into the schedule and things are, i can say, a liitle not so good. but im still optimistic on this. i can do this. i know the tasks now are very demanding but im holding on.

two weeks of late nights in the office and its not even half way, even a quarter. hope i can stand all of this.

anyway, on other happenings, i ...
... declined an invitation to tagaytay this weekend. sorry pow
... ate classic burger at Mexicalli
... had bbq and pancit at san carlos room
... played counter at glorieta
... got a call because of paperworks
... forgot to eat corn at dinner
... got to talk with someone who is ultimately happy
... got to chat to my crush

happy weekends to all.

Monday, February 06, 2006

at kung...

..ikaw ay maiwan, ako'y babalik at di ka pababayaan. tuloy tuloy ang ikot ng mundo, tuloy tuloy ang ikot ng mundo, tuloy tuloy ang ikot ng mundo, tuloy tuloy ang ikot ng mundo, tuloy tuloy ang ikot ng mundo....

Saturday, February 04, 2006

Ay mali!

Kanina, nagconvoy kame galing North papuntang Libis. Ako yung lead car este van pala. Simula pa lang, may naiwan na. Patay!. Ang bagal ko naman magdrive ah. hehe. Anyway, nagkatagpo-tagpo din naman ang lahat.

So ayun tuloy ang biyahe. E ako tatanga tanga, mali yung napasukan kong daan sa may QC circle. Dapat alam ko yun e pero nagkamali ng papasukang kanto. Mas alam pa nga ng sumusunod saken yung kalsadang tinahak ko. Patay na naman! Maski ako natawa sa sarili ko, pano pa kaya yung sumusunod saken? hahaha

Ang ending.. nakarating din. Ok ok. Laro na tayo.

Friday, February 03, 2006

hanggang siko...

... na lamang ba?
hanggang siko na lamang ba?

natawa na lang ako nung hinirit saken ng friend ko toh. naalala ko tuloy ung kasabay namin sa elevator kahapon. hehehe

anyway, tapos na yun. and im really happy for you.