LSS

wag mo munang sabihing ayaw mo na

Monday, October 03, 2005

sunday driving

yesterday we went to los banos to visit one of my cousins.

first time kong mag drive sa expressway. hindi naman ganung kahaba ung biyahe kasi 100-110 ang takbo namen. kasama ko kahapon sa van ang mom ko, 2 cousins, lola and tita ko.
as expected, lahat nakatulog sa biyahe. lalo na nung pauwi, knockout lahat.

on our way back sa may bandang entry point sa skyway, di ko alam kung dahil pagod ako or dahil first time ko lang, muntik na kaming bumangga. di ko alam kung sa malayo ako nakatingin pera bigla ko na lang napansin na malapit na pala ung kotse sa harapan ko. at sigurado akong hahampas kami sa likod nung kotse.

diniin ko kagad ang paa ko sa preno pero talagang hindi aabot at babangga kami. nag skid ung van. isang mahabang skid. lalo na nung kinabig ko sa kanan ang manibela. alam ko mali yun kasi baka may sasakyan sa kanan ko, buti na lang medyo malayo pa at nakareact din sya. pati sya nag skid pero ndi grabe tulad nung sa amin. kinabahan ako dun. haay. buti nalang walang nangyari.

next time mag-iingat na po ako.

2 comments:

Ays said...

uy shots! ingat magdrive! hope everyone was ok

Anonymous said...

nakowwww... ingat ingat! :) kahit aku di msyado aabot ng 110 pag nagddrive hehehe... pag talagang walang kotse lang :D