kung mamalasin ka nga naman. matatapat sayo ang isang bulok na shuttle na sira ang aircon.
ok naman sya nung umalis kami sa terminal pero pag dating ng ortigas, naku!! impyerno na!!
init na may halong lagkit at pawis. yan ang inabot ko. well. wala na naman akong magagawa kahit nagreklamo na ko sa drayber, ayun.. deadma. keso pasensya na raw at nag loko aircon nya.
ang unang ginawa ko ay buksan ang bintana. pero wala!! ayaw mabuksan. mukhang sinadya ng may-ari na i-lock un mula sa labas. isang kabaliwan!
so eto ako. punas na pawis maya't maya.
buti na lang hindi pawisin ung katabi ko. salamat talaga miss tumabi ka. un nga lang malas mo at katabi ang matabang pawis na pawis. pasensya na
ano pa nga bang magagawa ko. ayaw ko naman bumaba.
una... sayang ung binayad ako. ayaw ng ibalik
pangalawa... alanganin ung bababaan, wala ka nang mahahanap na iba pang masasakyan pag baba mo
pangatlo... ortigas na naman e. malapit na. --> mali ang inakala ko
sa gitna ng kaguluhan, nakuha ko pang aliwin ang sarili ko. isa na dito ang pag puna sa mga kapwa pasahero ko. kapansin-pansin ang mga kilos ng bawat isa. kanya kanyang diskarte habang tinitiis ang init sa loob ng sasakyan. sa may bandang gitna ako kaya't kitang kita ko ang mga kilos nila.
itututuloy...
LSS
wag mo munang sabihing ayaw mo na
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment