LSS

wag mo munang sabihing ayaw mo na

Wednesday, May 11, 2005

letter # 4

hey dude,

musta na?

tagal na pala ah?!. umaga na ko nakauwi nung gabing tinawagan kita. nagkayayaan pa kasi. at naging mahaba ang kwentuhan namin.

marami ng nangyari since then. ikaw, ganun din ba?

to start, naging stressful ang mga araw. about work and about.. syempre pag-ibig uli

parehas gumugulo... magulo pero natutuwa ako.

pag nakikita ko sya, napapaisip ako... pag kaharap naman, napapangiti ng todo. (am I referring to work? hehehe)

hindi ko naman talaga kelangan itago e kasi obvious sya….. obvious na mahal ko sya. (ung work or her? )

anyway, naging hobby ko na ang pagkain maya't maya. hindi dahil sa stressed ako. basta... ewan ko.. cguro nahawa na ko sa yo… sa katakawan mo. =)

kanina, kumain ako sa cubao mag-isa. panandaliang jollibee meal lang ang katapat. solb na

now you get the picture? ganyan ang naging takbo ng buhay ko lately

yan na lang muna. cge. ingats

No comments: