LSS

wag mo munang sabihing ayaw mo na

Wednesday, September 28, 2005

sweat part 2

simulan natin sa hilera ko.

mama sa tabi ng pinto... nakausli na ng upo. di mapakali. pawisan ang likod. pati panyo basa na rin. palibhasa mataba, tulo pawis na.

ale sa kaliwa ko... panay paypay ng abaniko. mainit ang hangin galing sa abaniko. ramdam ko e. kahit gano kalakas pa. mainit pa rin ang singaw. iritado sa katabing lalake sa kaliwa.

ako... pinapanood sila.
babae sa kaliwa ko... walang imik. paminsan minsang nagpapahid ng pawis.

babaeng sumunod... panay cellfone kahit mainit. malamang nagsusumbong sa boss dahil pawis at late na sya.

lalake sa tapat ng mama sa may pinto... ayun, pati malaking tatoo nya sa braso puro pawis. swerte nya naka sleeveless sya. deadma lang sya sa mga nangyayari.

babae sa tapat ng ale sa tabi ko... di na makatiis sa init. pinipilit pa ring buksan ang ayaw mabuksang bintana ng sasakyan. kung ano ano na rin ang pinagsasabi sa sobrang praning.

babae sa tapat ko... tulog! di man lang nakadama ng init. nagising sa may bandang guadalupe. sabay tingin sa kin at nagtanong, "bakit ang init?". a ewan.

ganyan ang mga maiinit na eksena kanina. sana bukas ibang storya naman.

No comments: